Albay nakiisa sa ‘Earth Hour’

2
9
Earth Hour. A sea of candles (forming the word MAYON) lights the downtown district of Legazpi City in observance of the Earth Hour last March 26, 2011. Participants joined the Run for EArth Hour Consciousness (REACH), a 5 kilometer night run which aims to raise public awareness on carbon emission and climate change as well as to gather support for Mayon Volcano Natural Park in Lidong, Sto. Domingo, Albay. Part of the proceeds will be allotted for a tree planting event on the foothills of Mt. Mayon. (Photo by REX WADE BANDOJO)

LEGAZPI CITY – Napuno ng liwanag ng libo-libong may sinding kandila ang football grounds ng Bicol University sa pagpapakita ng suporta at pakikiisa sa pagdaraos ng ‘Earth Hour’ Sabado ng gabi, Marso 26.

Pinangunahan ng Bicol University ang nasabing candle lighting, kasabay ng pagsasagawa rin ng isang forum sa kahalagahan ng pagtitipid ng enerhiya at ang mabuting implikasyon nito sa kapaligiran, pagtugon sa mga epekto ng climate change at marami pang ibang hamon dala ng pagkasira ng kalikasan.

Kabilang sa mga lumahok sa nasabing aktibidad ang mga mag-aaral at guro sa iba’t ibang antas sa Bicol University at iba pang mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa lungsod ng Legazpi, kasabay ang mga opisyal ng local na pamahalaan, environmentalist, mga residente, pati mga dayuhan na bumibisita sa lungsod.

Mapapansin din na maraming mga kabahayan ang nakiisa sa pagdaraos ng Earth Hour sa pamamagitan ng pagpatay ng mga ilaw at kagamitan de kuryente sa kani-kanilang mga kabahayan, dagdag pa ang mga gusali ng pagnenegosyo, mga opisina, at iba pa.

Ayon sa mga tagapagtaguyod ng nasabing aktibidad na sinimulan pa noong 2007 sa bansang Australia ay naging matagumpay na naman ang Earth Hour sa Albay, maging sa Bicol o sa buong bansa man. (MALoterte)

2 COMMENTS

  1. Clarification:
    The candle-lighting forming the word MAYON was held in front of LCC Mall legazpi and NOT in Bicol University. The fun run, spearheaded and organized by The Engr. Almayda, The Entourage and Blooms Floral Designs started at BU towards the front of LCC. That picture above was taken from the rooftop of LCC Mall.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.