Torture sa mga recruit ng Army sa Bicol iimbestigahan ng CHR

2
262
Alleged torture of 9th Infantry Division of Philippine Army recruits in Bicol. Video grab
Alleged torture of 9th Infantry Division of Philippine Army recruits in Bicol. Video grab

LEGAZPI CITY – Nakahandang magsagawa ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) hinggil sa diumano’y lumabas na video ng pag-torture ng mga recruits ng Philippine Army sa Bicol.

Ayon kay CHR Chairperson Etta Rosales na mananagot sa batas ang sinumang mapapatunayan na nilabag ang karapatan pantao ng mga trainees batay na rin sa ipinakita sa video clips.

Sa inilabas na pahayag ng CHR kinondena nito ang anumang porma ng ‘torture’ o pang-aabuso at hindi makataong pagtrato sa mga trainess.

Matatandaan na kumalat sa iba’t-ibang networking site ang video ng pagpapahirap sa mga trainees ng 9th Infantry Division ng Philippine Army na naka-base sa Pili, Camarines Sur.

Sa unang bahagi ng video, makikita na isa-isang hinahampas ng latigo ang mga trainees habang pinapatungan ng bota ang kanilang balikat. Habang ang iba naman ay gumagapang sa putik. Maririnig din ang malalakas na hiyaw ng mga trainees.


Courtesy of Youtube.com

Samantala makikita rin sa ikalawang bahagi ng video ang paghampas ng patpat sa likod ng mga trainees. Ang iba naman ay nilulublob sa dram na may tubig.


Courtesy of Youtube.com

Sa kabilang dako, maariing itinanggi ng militar ang paratang na torture ang nasa video kundi ito’y isang simulation lamang.

Una rito, inamin ng isang military official na ang naturang pangyayari ng diumano’y ‘torture’ sa mga kandidatong sundalo ay ‘thing of the past’.

“The escape and evasion exercise used to be part of the military training wherein the ‘captive soldiers’ are subjected to simulated physical pains endured during their captivity,” ayon kay Major Harold Cabunoc, tagapagsalita ng army sa Bicol. BICOLTODAY.com

2 COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.