Sorsogon Bay ligtas na sa ‘red tide’

2
362
Photo by BicolToday.com

SORSOGON CITY – Idineklara ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na negatibo na sa red tide toxin o paralytic shellfish poisoning (PSP) ang Sorsogon Bay.

Batay sa pinakahuling shellfish bulletin na ipinalabas ng BFAR ay inalis na sa listahan ng mga positibo sa red tide ang Sorsogon Bay kung kaya maari nang kainin, ibenta at ibyahe ang lahat ng uri ng mga lamang dagat.

Ayon sa BFAR, apat na look at katubigan na lamang sa bansa ang positibo sa PSP sanhi ng red tide. Ito ay ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental at ang kostal na katubigan ng Bolinao at Anda sa Pangasinan.

Mataandaang una nang idineklarang negatibo sa paralytic shellfish poisoning ang mga shellfish sa Sorsogon Bay noong March 2010, subalit muling nakapagtala ng mataas na toxicity level kumpara sa tolerable limit nito na 60 microgram per 100 grams of shellfish meat noong July 2010, kung kaya’t labis na ikinatuwa ng mga Sorsoganon ang deklarasyong ligtas na ito ngayon sa red tide toxin.

Samantala, naunang idineklara ng BFAR na ligtas na sa red tide ang Juag Lagoon sa Matnog, Sorsogon noong September 9, 2010 matapos din ang ilang buwang pagkakakontamina nito ng pyrodinium bahamense, kung kaya’t sa ngayon ay kapwa ligtas na sa lason ng red tide ang lahat ng katubigan sa lalawigan ng Sorsogon.

Subali’t sa kabila nito, binigyang-diin pa rin ng BFAR na kahit pa ligtas na sa paralytic shellfish poisoning ang mga katubigan sa Sorsogon ay patuloy pa ring mag-ingat ang publiko sa pamamagitan ng tamang paglilinis at pagkain ng mga preskong lamang-dagat na nakukuha mula dito.  (Bennie A. Recebido)

 

2 COMMENTS

  1. Congratulations on having one of the most sophisticated blogs Ive come across in some time! Its just incredible how very much you can take away from a little something simply because of how visually beautiful it is. Youve put with each other a excellent weblog space –great graphics, videos, layout. This is certainly a must-see weblog!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.