Camarines Sur niyanig ng 4.7 magnitude na lindol

2
204
Photo courtesy Wikipedia.org
Photo courtesy Wikipedia.org

Niyanig ng lindol ang lalawigan ng Camarines Sur at ilang bahagi ng Southern Luzon bandang alas 9:29 ng gabi, lunes Marso 21.

Una nang maramdaman ang pagyanig ng lindol sa Metro Manila bandang alas 6:37 ng gabi.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) niyanig ng 4.7 magnitude ang Camarines Sur samantalang 5.7 magnitude naman sa Metro Manila.

Batay sa inilabas na earthquake information bulletin ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa Bicol ay nasa 029 km N 28°E ng Pili, Camarines Sur at ang sentro naman ng lindol sa Metro Manila ay nasa 012 km N 89°E ng Lubang Island, Mindoro.

Wala namang inilabas na tsunami warning ang Phivolcs at wala ring naiulat na may nasaktan o naapektuhan sa naturang lindol. Ngunit nagbabala ito sa posibleng aftershocks. BICOLTODAY.com

2 COMMENTS

  1. I admire the useful facts you offer inside your articles. I will bookmark your weblog and also have my children verify up here often. I’m very sure they’ll learn a lot of new things right here than anybody else!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.