Pulis patay sa pamamaril sa Sorsogon

2
52
Photo courtesy Wikipedia.org
Photo courtesy Wikipedia.org

SORSOGON CITY (Mar 20) – Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin kaninang umaga sa bayan ng Gubat, Sorsogon.

Kinilala ang biktima na si Senior Police Officer 1 Ferdinand Geres, miyembro ng Gubat Police force.

Agad na nahuli ng mga nagresponding pulis ang suspek matapos na makorner ito sa lugar na pinangyarihan ng krimen. Kung saan kinilala ang suspek na si Robinson Huete ng Barangay Bulacao, Gubat.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas dos y medya ng madaling araw (2:30 a.m) habang papasakay ang biktima sa trisikel ng pagbabaril ng suspek.

Ayon pa sa pulisya, ang suspek ay nakadetine na at habang patuloy pa ang isinasagawang interogasyon.

Hindi pa rin masabi ng pulisya kung ang naturang insidente ay may kinalaman sa insurhensiya o isang ordinaryong krimen lamang.

 

2 COMMENTS

  1. Nice to be browsing your blog once more, it continues to be months for me. Nicely this post that i’ve been waited for so long. I require this write-up to complete my assignment inside the college, and it has exact same subject with your write-up. Thanks, great share.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.