Marcos victims sa Bicol dismayado sa pamamahagi ng $1000

4
92
Hawak ni Ginoong Elias Gache ang "Proof of Claim Form for Torture Victims" na patunay na isa siyang biktima ng pang-aabuso ng mga militar sa panahon ng diktaduryang Marcos. Photo by BICOLTODAY.com
Hawak ni Ginoong Elias Gache ang "Proof of Claim Form for Torture Victims" patunay na isa siyang biktima ng pang-aabuso ng mga militar sa panahon ng diktaduryang Marcos. Photo by BICOLTODAY.com

Hindi maitago ang pagkadismaya ng ilang claimants sa tanggapan ng Commission on Human Rights sa Bicol matapos hindi nila matanggap kabayaran.

Si Elias Gache, 75 taong gulang ng Bulusan, Sorsogon ay isa lamang sa mga naging biktima ng diktaduryang Marcos nang ipag-utos nito ang martial law.

Ayon sa kanya ika-19 ng Oktubre 1972 ng hulihin siya ng mga militar, tinurtyor, ikinulong at pinagbibintangang kasapi ng New People’s Army (NPA).

Labing-isang araw niyang tiniis ang pahirap sa kamay ng mga militar, nagtamo siya ng panghihina ng paningin sanhi ng pagkakapukpok sa ulo. Pinagbawalan din siyang bisitahin ng doktor.

Ang malungkot na kwento niya na sa loob ng 25 taong paghahanap ng katarungan ay naging mailap pa rin ito.

Maaga nang Marso 15 ay pumunta si Gache sa tanggapan CHR Legazpi upang kunin ang halagang isang libong dolyar ($1000) mula sa sulat na natanggap niya kay Atty. Robert Swift bilang kompensasyon o bayad pinsala sa kanya. Nakasaad din sa sulat ni Swift na ito na ang perang makukuha niya ay mula mahigit sa sampung milyong dolyar (US$10,261,000 million) na settlement agreement sa isang ari-arian ni Jose Yao-Campos sa Estados Unidos. Sa desisyon ni Judge Manuel Real ng Havaii court ipag-utos nito ang pamamahagi ng kabayaran sa 7,526 na human rights victims.

Ngunit laking gulat niya na hindi pala siya kasama sa listahan na makakakuha ng isang libong dolyar bilang bayad pinsala.

Galit at pagkainis ang naramdaman ni Gache at iba pang claimants dahilan sa palpak at walang sistemang distribusyon ng mga claims.

May ilan na may sulat nagmula kay Swift ay hindi nakatanggap, may ilan naman na walang sulat ang nakakuha ito na kabayaran.  Ang karamihan ay umuwi na lang at nagpupuyos ang galit.

25% Counsel Fees at Incentive Awards

Mga biktima ng martial law na pagfile ng kanilang claims sa Commission on Human Rights Legazpi City. Photo by BICOLTODAY.com

Sa panayam ng BICOLTODAY.com kay Atty. Rod Domingo, isa sa abogado ng mga claimants na batay sa naging desisyon Judge Manuel Real, US District Court ng Hawaii na ang mga “eligible claims” ay ang mga nakapag sumite ng claims forms na ipinag-utos ng korte noong 1993 at 1999. Kung saan ang “eligible claims” lamang ay 7,526.

Sinabi pa ni Domingo na mahigit sa 2,013 claimants ang hindi makakakuha ng claims mula sa orihinal na bilang ng mga class members.

Samantala, 25 porsyento ng kabuuang halaga ng class settlement fund ay mapupunta sa mga abogado bilang counsel fee o US$1,402,288 at pagsasauli ng mga nagastos sa halagang  US$847,962.

Karagdagan, magbibigay din ng halagang US$300,000 kay Alan Meeker ng Texas na siyang nagbigay sa Class Counsel ng impormasyon tungkol sa ari-arian sa Texas at Colorado bilang “finders fee”.  Ang Class Counsel ay humihiling din ng incentive awards na US$15,000 para sa dalawang miyembro na nagsilbing mga taga-sakdal (plaintiffs) sa paglilitis sa Texas at Colorado.

Ang nasabing mga aplikasyon ay isinampa sa Clerk of Court sa Hawaii ay maaaring tingnan sa website ng Kohn, Swift & Graf, PC: www.kohnswift.com. BICOLTODAY.com

 

4 COMMENTS

  1. Really good post. I just stumbled upon your weblog and wanted to say that we have genuinely enjoyed reading by means of your site posts. Any way I’ll be registering to your feed and that i hope you post again soon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.