Public schools sa Bicol tuloy ang klase – DepEd

1
577
Si Ginang Blanca Rempillo, principal ng SNHS habang kinakapanayam ni Ric Dionela ng Padaba 103.9 DWOL-fm. Photo by BICOLTODAY.com
Si Ginang Blanca Rempillo, principal ng SNHS habang kinakapanayam ni Ric Dionela ng Padaba 103.9 DWOL-fm. Photo by BICOLTODAY.com

LEGAZPI CITY (Mar16) – Ipinag-utos ni Department of Education (DepEd) Regional Director Ofelina Tuz sa mga guro na tuloy ang klase ngayong araw sa gitna ng isinasagawang transport strike sa rehiyon Bicol.

Sinabi ng opisyal na nasa discretion na rin ng schools division superintendent at principal na magsuspendi ng klase kung nakikita walang masakyan ng mga eskwela. Siniguro rin ni Ofelina na hindi mamarkhan ng absent ang mga guro o etudyante kung talaga apektado ang mga ito ng strike.

Ngunit sinabi nito na kinakailangang magsagawa ng make-up classes ang mga guro at estudyante.

Samantala sa lalawigan ng Sorsogon, wala na ring nagawa ang mga school officials sa hindi pagpasok ng mga estudyante sa eskwela bunsod na rin ng kawalan ng masasakyan.

Sa panayam ng BICOLTODAY.com kay Ginang Blanca Rempillo, principal ng Sorsogon National High School (SNHS), sinabi nito na umabot lamang sa limang porsyento (5%) o tatlong daang (300) estudyante ang pumasok sa kabuuang populasyong nito na 6,200.

Nagbabala rin si Rempillo sa mga guro at personahe ng paaralan na mamarkahan sila ng “absent” sakaling hindi pumasok sa araw ng strike.

“Although students will be given due consideration as regards their absences from their classes, teachers and personnel will be marked absent, in case they fail to report to school during a transport strike”, ayon pa kay Rempillo. BICOLTODAY.com

 

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.