Private schools sa Sorsogon sinuspende ang klase

1
125
DepEd Sorsogon. BICOLTODAY.COM PHOTO

SORSOGON CITY (Mar16) – Sinuspende ng mga private school official’s ang kanilang klase kasunod ng malawakang transport strike sa lalawigan ng Sorsogon at sa kahilingan na rin ng mga transport group na makiisa rin sa kanilang isinasagawang mass actions o tigil pasada.

Ang mga pribadong kolehiyo na sinuspendi ang klase ay ang St. Loiuse de Marillac College, Aemillanum College, Bicol Merchant Marine College, Speed Computer College, Computer Communication Development Institute.

Samatala, nanindigan ang mga opisyal ng DepEd Sorsogon na hindi sila magdedeklara ng suspensyon ng klase maliban lamang sa mga estudyante na nasa malalayong lugar.

Sa panayam ng BICOLTODAY.com kay Susan Jalmansar, DepEd administrative officer sinabi nito na nananatili ang kanilang standing order sa mga guro na pumasok. Iginiit din nito na hindi gaanong apektado ng transport strike ang mga elementary schools dahilan sa ipinapatupad nilang localization kung saan ang mga guro ay nakabase mismo sa lugar kung saan sila nagtuturo.

Sinabi pa nito na nakikiisa rin sila sa aksyon ng mga tsuper, subalit hindi nila magagawang magkansela ng klase sa mga pampublikong paaralan.

Inamin din nito na kaunti lamang na mga estudyante sa elementarya at high school ang pumasok kung kaya’t ang ibang guro ay pansamantala hindi nagturo, ngunit mananatili sila sa loob ng paaralan, ayon pa Jalmansar. BICOLTODAY.com

 

1 COMMENT

  1. Absolutely agree with what you reported. Your explanation was by far the easiest to comprehend. I tell you, I usually get annoyed when folks discuss issues that they clearly do not know about. You managed to hit the nail right on the head and rolled out everything without complication. Hopefully, other people can take a cue. Will be back for additional. Keep writing

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.