Bicol transport strike matagumpay – Condor Piston

7
1611

LEGAZPI CITY (Mar16) – Humigit sa 85 porsyento ng transportasyon sa rehiyon Bicol ang paralisado kasunod ng isinasagawang transport strike ng Piston para iprotesta ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, pagbasura ng oil deregulation law at 12% value added tax.

Ayon kay Ramon Rescovilla, tagapagsalita ng Concerned Driver and Operator for Reform (Condor-Bicol) na sa lalawigan ng Albay ay 99% paralisado ang transportasyon, Sorsogon 99%, Camarines Sur 80%, Camarines Norte 80%, Catanduanes 80% samantalang sa lalawigan ng Masbate ay nagsagawa ng caravan.

Sinabi pa ni Rescovilla na ang tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng petroleum products ay sanhi ng walang kontrol ng gobyerno ang presyo nito. “Maiibsan lamang ang nararamdang hirap ng mga tsuper at ng riding public kung tuluyan nang ibasura ang deregulation law”, dagdag pa ni Rescovilla.

Samantala, pinasalamatan din ng Piston Land Transportation Coalition Sorsogon ang lahat na transport group, publiko at mga schools officials sa kanilang pakikiisa sa panawagan o hinaing ng sektor ng transportasyon. Ayon kay Eddie Ferreras, tagapangulo ng Piston-Sorsogon na ang naturang transport strike ay build-up campaign lamang sa gagawing pambansang transport strike sa boung bansa sa katapusan ng Marso.

Sinabi pa ni Ferreras na layon nito na ipakita ng kanilang grupo sa gobyernong Aquino na hindi na nila kaya ang hagupit ng pagtaas ng presyo ng petrolyo, kung kaya hinihingi nila na magsagawa na ng aksiyon upang mapigilan ito.

Sa kabilang dako, nagsagawa din ng libreng kasay ng PNP sa lungsod ng Legazpi. Todo rin ang pagbabantay ng mga kapulisan sa ibang mga lalawigan sa maaring magsabotahe sa isinasagawang transport strike sa Bicol. BICOLTODAY.com

7 COMMENTS

  1. Very good post. I simply came across your site and wanted to say that I have genuinely enjoyed reading your blog posts. Any other way I’ll be registering to your feed and that i we do hope you post again soon

  2. More often than not I do not create comments on websites, however I will have to state that this post genuinely compelled me to take action. Fairly amazing post.

Leave a Reply to Solardude Cancel reply

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.