Bicol wide transport strike kasado na – Piston

1
436
BICOLTODAY.COM FILE PHOTO
Photo by BICOLTODAY.com

SORSOGON CITY (Mar14) – Isang malawakang transport strike o tigil pasada ang ikinasa ng Piston Land Transportation Coalition (Piston) sa boung rehiyon Bicol sa miyerkules, Marso 16.

Ayon kay Eddie Ferreras, tagapangulo ng Piston Sorsogon ang tigil pasada ay magsisimula ganap na 12:01 ng umaga hanggang 12:00 ng gabi, bilang tugon ng transport sector sa lalawigan matapos ang konsultasyon sa iba’t-ibang asosasyon at pederasyon hinggil sa lumalalang krisis sa ekonomiya na nagbunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

“Dahilan sa hambalos sa mamamayan sa walang tigil na pagtaas ng mga produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin, pagka-swapang sa ganansya ng Shell, Caltex at Petron at maging ang pagka-inutil mismo ng gobyerno na ipatigil at kontrolin ang presyon nito kung kaya ipinanawagan ng Piston ang regionwide transport strike”, ayon pa kay Ferreras.

Hiniling din nito, na magkaisang harapin ng iba’t-ibang sektor ang isyu at panawagang strike dahil ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay awtomatiko tumataas din ang mga bilihin.

Nagbabala rin ang Piston na mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng mga pako o tumba-tumba at ipinanawagan din nila sa mga may planong magsabotahe sa transport strike o masamang hangarin na itigil ito dahilan ang naturang protesta ay hindi lang kapakinabangan ng sektor ng transportasyon kundi ng buong mamamayan. BICOLTODAY.com

1 COMMENT

  1. I would like to thank you for the efforts you’ve got made in writing this post. I am hoping the exact same very best function from you in the long run as well. Actually your inventive writing abilities has inspired me to start my own BlogEngine weblog now.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.