Tsunami Alert: Residente sa coastal barangays ng Sorsogon lumikas

1
148
PDRRMC Head Manro Jayco explains to BICOLTODAY.com the affected areas in Sorsogon if tsunami hit the province.
Si PDRRMC Head Manro Jayco habang nagpapaliwanag sa media sa maaring maging epekto ng Tsunami kung sakaling tumama sa lalawigan ng Sorsogon. BICOLTODAY.com

SORSOGON CITY (March 11) – Boluntaryong lumikas ang mga residente sa coastal area ng Bacon District sa lungsod ng Sorsogon, bayan ng Gubat matapos na itaas ang tsunami alert level 2 ng Phivolcs ngayon kasabay ng nangyaring lindol at tsunami sa bansang Japan na nangyari bandang 1:46 ng hapon.

Inabisuhan na rin ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ang mga counterpart nito sa mga bayan ng Barcelona, Bulusan, Sta. Magdalena, Matnog at Bulan na ihanda ang kanilang mga rescue teams oras na magkaroon ng abnomalidad sa karagatan.

Ayon kan Manro Jayco, PDRRMC action officer ay nakataas sa red alert ang kanilang tanggapan at nakahanda anumang oras rumagasa ang tsunami sa nabanggit na mga lugar.

Nakipag-ugnayan na rin siya sa mga lokal na pamahalaan na ihanda ang anumang tulong na kinakailangan gaya ng gamot, pagkain at iba pa sakaling dumagsa ang mga evacuees.

Hinikayat din Jayco ang mga residente na malapit sa baybayin dagat na huwag nang hintayin ang rescue team, kundi kusa ng lumikas sa matataas na lugar upang maiwasan ang anumang sakuna.

Sinabi pa ni na pito o walong bayan sa lalawigan ang maaaring maapektuhan ng tsunami.

Maliban sa Sorsogon, ibinaba din sa Tsunami Alert Level 2 sa mga lalawigan ng Albay, Catanduanes, Camarines Sur at Camarines Norte sa Rehiyon Bicol batay sa ipinalabas na tsunami bulletin no. 2 ng Phivolcs. BICOLTODAY.com

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.