Daet 4 laya na, kaso ibinasura ng korte

9
37
Photo by CL
Photo by CL

DAET, Camarines Norte (Feb. 24, 2011) – Matapos ang tatlong buwan at dalawang araw na pagkakapiit ganap nang nakalaya ang tinaguriang ‘Daet 4’ ngayong araw. Ito ay batay sa naging desisyon ni Judge Roberto A. Escaro ng RTC Branch 39 ang pagbasura ng mga kasong paglabag sa “Republic Act 9516 o Illegal/Unlawful Possession, Manufacture, Dealing In, Acquisition or Disposition of Firearms, Ammunition or Explosives” na una nang kinatigan ng Department of Justice dahilan walang matibay na batayan at ebidensya laban sa mga akusado.

Ayon kay Maricel Delen, Provincial Coordinator ng KARAPATAN Cam Norte na ang paglaya nina Esmeraldo Bardon, KMP-Anakpawis, Denver Bacolod ng KARAPATAN-Camarines Norte, Secretary General ng Makabayan at Provincial Coordinator ng ACT-CN, Merlo Bermas ng Kabataan Party list at Elpidio Deluna, magsasaka at dating political detainee ay bunga ng masidhing pakikilahok ng mamamayan sa panawagang palayain at pagbasura sa mga gawa-gawang kaso laban sa ‘Daet 4’.

Sinabi pa ni Delen na hindi pinanghinaan ng loob ang apat at ang mga kaanak nito sa kabila ng kulang kulang isang daang araw na pagkakapiit bagkus ay lalong sumigla ang kanilang commitment na ipagpatuloy ang nasimulang gawain para sa paglilingkod sa kapwa inaaping uri.

Kasabay nito ay ilulunsad ang kilos protesta bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng EDSA 1 na lalahokan ng mga personalidad na sina Danilo “Ka Daning” Ramos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Joel Maglunsod ng Anakpawis, Leo Caballero ng KMU Bikol at iba pang mga kasapi ng mga progresibong organisasyon sa rehiyon, ayon pa kay Delen.

Dinagdag ni Delen na ang kaso ng ‘Daet 4’ ay isyung ipinaglaban noon ng mga mamamayan sa panahon ng diktaduryang Marcos. Subalit ayon sa kanya nakakalungkot isiping makalipas ang dalawa’t kalahating dekada mas lumala pa ang mga paglabag sa karapatang pantao gamit ang counter insurgency plan ng mga nagdaang rehimen na bumiktima ng maraming bilang ng mga aktibista, media at ordinaryong mamamayan. BICOLTODAY.com

9 COMMENTS

  1. Excellent post, very informative. I’m wondering why the other specialists of this sector do not notice this. You should proceed your writing. I am sure, you have a huge readers’ base already!

  2. Hey There. I found your weblog the use of msn. That is a very smartly written article. I’ll be sure to bookmark it and return to read more of your useful info. Thanks for the post. I’ll certainly comeback.

  3. We are a bunch of volunteers and opening a new scheme in our community. Your site offered us with valuable information to paintings on. You have performed a formidable activity and our whole community shall be thankful to you.

  4. Thanks , I have just been looking for information approximately this topic for a long time and yours is the greatest I have discovered till now. But, what concerning the bottom line? Are you sure concerning the source?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.