4 na mangingisdang nawawala sa Sorsogon nailigtas

0
100
BICOLTODAY.com file photo

BICOLTODAY.com file photo

(UPDATE Feb. 03, 2011) SORSOGON CITY – Buhay na nailigtas ang apat na mangingisdang nai-ulat na nawawala sa bahagi ng karagatan ng Aroroy, Masbate miyerkules ng hapon.

Sa panayam ng Radyo Natin Sorsogon kay Ariel Guapo, sinabi nito na halos dalawang araw silang nakalutang sa dagat, walang makain at nanginginig sa sobrang lamig. Mabuti na lamang ay may dumaan na isang grupo ng mangingisda mula sa Samar at doon sila nasagip, ayon pa kay Guapo.

Sinabi pa nito na araw ng linggo ng sila’y umalis sa bayan ng Pilar para mangisda nang hampasin ng malalaking alon at malakas na hangin ang kanilang bangka na naging sanhi nag pagka butas nito. Ayon pa sa kanya nakatawag pa sila sa may-ari ng bangka na si Dany Barum sa pamamagitan ng cellphone para humingi ng saklolo bago tuluyang lumubog ang sinasakyan nilang MV Fbca Daner.

Samantala, ang iba pang nasagip at nailigtas na tripulante ay sina Jesus Guapo, Ricardo Gipa at Jun-Jun Gipa na pawang residente ng Zone- 2, Bulan, Sorsogon.

Sa ngayon ay nakauwi na ang mga ito sa kani-kanilang pamilya. (With reports from Don Gloriane/BICOLTODAY.com)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.