Pag-amyenda sa ‘Family Code’ isinusulong ng Bayan Muna

0
45
Bayan Muna Representative Neri Colmenares (left) with Sorsogon City Mayor Leovic Dioneda during the medical and relief mission in Sorsogon. Photo by BicotToday.com
Bayan Muna Representative Neri Colmenares (left) with Sorsogon City Mayor Leovic Dioneda during the medical and relief mission in Sorsogon. Photo by BICOLTODAY.com

SORSOGON CITY – Isinusulong ng BAYAN MUNA Partylist ang pag-amyenda sa ilang probisyon ng Family Code sa bansa.

Ayon sa Representative Neri Colmenares, may akda ng naturang panukalang batas na panahon na para amyendahan ang Family Code dahil hindi na ito naangkop sa kasalukuyang panahon.

Sinabi nito na ang mga mayayaman lamang ang may kakayahan na mag-file ng annulment of marriage sa korte at halos di kaya ang gastusin ng isang mahirap na gusto ring magsamapa ng ganitong reklamo sa korte.

Sa panayam ng BICOLTODAY.com kay Rep. Colmenares, sinabi nito na ang annulment of marriage o ang pagpapawalang bisa ng kasal ay isinasampa ng isang partido kung siya ay nakakaranas ng pang-aabuso, pag-aabandona o kaya’y physiological incapacity ang mga “grounds” upang makasampa ng petisyon o reklamo sa hukuman ang bawat panig.

Binigyang diin nito na walang pagkakaiba ang nararansan ng isang mayaman at mahirap sa mga pang-aabuso sa asawa, kung kaya nararapat lamang na maging abot kaya ito sa mahihirap.

Sa kanyang panukalang batas nakasaad  na dapat amyendahan ang Article 36 ng Family Code o “An act recognizing spousal violence, infidelity and abandonment as presumptive psychological incapacity constituting a ground for annulment of marriage amending article 36 of the family code for the purpose”.

Umaabot ng P100,000 hanggang P500,000 piso ang ginastos para lamang gumulong ang petition for annulment of marriage sa hukuman. Kasabay na dito ang iba’t-ibang bayarin sa korte, doktor at abugado, ayon kay Rep. Colmenares.

Kung maisasabatas ang naturang panukala maiibsan ang problema ng isang mahirap na pamilya mula sa pang-aabuso sa kamay ng kanyang asawa, pagtatapos ni Neri.  (BICOLTODAY.com)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.