Army sangkot sa holdapan sa Sorsogon

1
187
Captain Edgar Obenieta, Civil Military Officer 49th IB based in Rangas, Juban, Sorsogon. Contributed Photo
Captain Edgar Obenieta, Civil Military Officer 49th IB based in Rangas, Juban, Sorsogon. Contributed Photo

SORSOGON CITY – Nahaharap sa iba’t-ibang kaso ang dalawang militar matapos masangkot sa holdapan at extortion sa tatlong estudyante ng Buhang National High School sa bayan ng Bulusan.

Sina Pfc. Democrito B. De Leon, Jr. at  Pvt. Ramson S. Concepcion na pawang miyembro ng 49th infantry battalion na nakabase sa Barangay San Ignacio, Gubat, Sorsogon ay sinampahan ng kasong Illegal Possession of Fire Arms, Robbery Holdup at Violation of R.A. 7610 o Violence Against Women and Children Act (VAWC) sa korte.

Matatandaan na aktong nahuli ang dalawang suspek sa isang entrapment operation na isinagawa ng Bulusan PNP para kunin sa isang biktima ang perang kinokotong nito.

Ayon sa biktimang sina Lorna, Sophia at Fe (hindi tunay na mga pangalan) na noong ika-15 ng Enero bandang alas 9 ng gabi habang sila ay nakatambay at nag-uusap sa tabi ng kalsada sa Sitio Taisan, Barangay Buhang, Bulusan nang biglang huminto sina De Leon at Concepcion lulan ng motorsiklo at sabay tutok ng baril at kinuha ang cellphone ng isa sa kanila.

Pinagte-text at tinatawagan ang mga naka phonebook na numero sa cellphone ng dalawang suspek at humihingi ng pera ang mga ito, ayon sa ulat ng pulisya.

Isa sa natext ng mga suspek ang tiyahin ng isang biktima at humihingi ng dalawang libong piso (P2,000). Nagkasundo kung saan ipapadala ang pera at doon din nakipag-ugnayan ang mga biktima sa pulisya.

Kinaumagahan ng ika-16 ng enero ay dumating ang mga suspek sa pinagkasunduang lugar at dito na rin namukhaan ng tatlong bata na naunang biktima nito at kaagad ito’y dinampot ng PNP. Doon na rin napag-alaman ng pulisya na ang mga suspek ay militar.

Samantala, humihingi na rin ang tulong o proteksiyon sa mga otoridad ang pamilya ng mga biktima dahilan sa binalik-balikan diumano na mga kasamahan nito ang kanilang lugar.

Sa kabilang dako, pinaniniwalaan ng pulisya na posibleng ito rin ang may kagagawan sa mga holdapan sa ilang bayan ng Sorsogon. Pinakahuli nito ang panghoholdap sa isang collector ng isang lending company sa bayan Juban na umabot sa P60,000.00 ang natangay dito.

Matatandaan na nasangkot din sa panghoholdap ang isang militar na nangyari sa bahagi ng diversion road sa lungsod ng Sorsogon nitong nakaraang taon.

Sa ngayon patuloy ang ginagwang follow-up operation ng pulisya sa ganitong kaso gaya nang nangyaring panghoholdap sa Philippine National Bank sa Sorsogon City na kinasasangkutan naman na isang dating security guard ng naturang bangko. (BICOLTODAY.com)

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.