Sorsogon binalot ng makapal na ulap

0
195

SORSOGON CITY (Jan 15) – Ikinabigla ng mga residente sa ilang bayan ng lalawigan ng Sorsogon nang balutin ng napakakapal na ulap ang kanilang lugar.

Bandang alas tress hanggang alas siete ng umaga nanatili ang makapal na ulap sa mismong downtown ng syudad ng Sorsogon.

Ayon kay Isagani Mape isang street cleaner nagulat siya nang makita niya ang napakakapal na ulap at akala niya ay nasa Baguio City siya.

Sinabi naman ni David Haloc, retired teacher na ito ang unang pagkakataon na maranasan ang pagbaba ng ulap sa mismong sentro ng syudad.

Halos di makita ang mga taong naglalakad sa sentro ng syudad, maging ang mga sasakyan ay makabukas mga ilaw o fog light.

Sa ulat ng PAGASA ito ay normal lamang na nararanasan sa mga lugar na matataas ang elevation gaya ng Sorsogon.

Sa ngayon nakakaranas na ng magandang panahon ang lalawigan maging ang rehiyon Bikol mula sa ilang linggong pagragasa ng ulan ng naging dahilan ng pagbaha at pagguho ng lupa o landslide sa ilang lugar. (BICOLTODAY.com)


LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.