Opisyal ng Sorsogon inirereklamo, aksiyon ni Senador Chiz hiniling

1
287
Photo by BICOLTODAY.com
Photo by BICOLTODAY.com

SORSOGON CITY – Patuloy na inirereklamo ng mga residente ng barangay Salog ang kawalang aksiyon ng lokal na pamahalaang panlungsod ng Sorsogon sa kanilang matagal nang karaingan na maisaayos ang bumagsak na Salog Bridge.

Ayon kay Kagawad Sevilla Tayam, taong 2009 nang bumagsak an naturang tulay kung saan apektado nito ang humigit kumulang isang libong residente.

Ilang beses nang may naaksidente at nahulog sa sirang tulay. Nito lamang nakaarang buwan isang bata ang inanod at natagpuang patay sa Sorsogon bay dahilan sa malakas na agos ng tubig, ayon pa sa opisyal.

Madaling araw nang Enero 13 nang biglang niragasa ng baha ang naturang barangay kung saan pinasok ang daan-daang kabahayan ng putik mula sa Salog river.

Sinabi ni Tayam plano nilang itaas ng isang metro ang dike at gawan ng railing upang maiwasan ang anu mang sakuna sa panahon ng tag-ulan, ngunit mahirap nilang maisakatuparan ang proyekto dahilan sa kakulangan ng pondo at suporta ng gobierno.

Photo by BICOLTODAY.com

Ipinanawagan din nila sa lokal na pamahalaan na bigyan ng kaulang pansin ang matagal nang hinaing ng mga residente.

Hiniling din ng mga residente na isantabi muna ang pulitika alang-alang sa kapakanan ng libo-libong naninirahan sa tabi ng ilog.

Matatandaan na may matagal nang di pagkakaunawan sina City Mayor Leovic Dioneda at si Salog Barangay Captain Dindo Mijares dahilan sa magkaiba ang kinaaniban nitong partido.

Nitong halalan nasyunal at lokal ay sinuporthan ni Mijares ang kalaban ni Dioneda na si dating City Vice Mayor Ed Atutubo sa pagka alkalde ngunit natalo ng huli.

Samantala ipinanawagan din mga residente kay Senator Chiz at Congressman Sonny Escudero na umaksiyon na at huwag nang hintayin pang matabunan ng putik ang mga naninirahan sa naturang barangay. (BICOLTODAY.com)

1 COMMENT

  1. If you do not mind me asking, just what are you utilizing to prevent spam responses? I noticed your site is nice and totally free from all the spam bots leaving comments. I have got another website myself, and I just like to keep comments open so I don’t have to come on and approve them all the time, however the spam plugins I’ve tested out are generally failing to block even the most obvious and simple spam comments. Is there something good out there that does a good job or is my only hope to keep them moderated or just close them all together? Thank you, Alfonso Wyner

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.