Paspaslang sa bise alkalde ng Aroroy kinondena ng vice mayor’s legue Bicol

0
323
Photo courtesy Wikipedia
Photo courtesy Wikipedia

SORSOGON CITY – Kinondena ng Vice Mayor’s League sa Bicol an pamamaslang kay Aroroy, Masbate Vice Mayor Arturo Vicente Maristela.Ayon kay Bicol Regional Vice-Mayor’s League President Robert Lee Rodrigueza hindi makatarungan ang ginawang pagkitil ng buhay ni Maristela.

Ano pa man ang nagawa ng bise alkalde, hindi pa rin nararapat na hatulan ito sa malagim na paraang tulad nito, dagdag pa ni Rodrigueza.

Umapela din si Rodrigueza sa mga awtoridad na humahawak sa kaso na imbestigahan nito ng mabuti at gawin ang lahat upang mapanagot ang mga salarin.

Ang pagpaslang sa bise alkalde ng Aroroy, Masbate ang kauna-unahang political-related incident na naitala ngayong taon.

Nanawagan din si Rodrigueza sa mga pulitiko at maging sa mga nasa likod ng mga krimeng tulad nito na tuldukan na ang mga karahasan na kadalasan ay nauuwi sa pagbubuwis ng buhay.

Umaasa din siya na hindi na masusundan ang malagim na sinapit ni Maristela.

Task group Maristela

Samantala binuo ng Quezon City Police District (QCPD) ang special task group sa pag-iimbestiga sa pagpaslang kay Aroroy Vice Mayor Arturo Vicente Maristela.

Itinalaga ni QCPD director Benjardi Mantel si Superintendent Antonio Yarra, QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit chief, para manguna sa task group Maristela.

Inatasan si Mantele para magsagawa ng masusi at komprehensibong imbestigasyon at ikonsidera ang lahat ng anggulo ng motibo ng pamamaslang sa bise alkalde ng Aroroy, Masbate.

Sa ngayon ang task group ay nagsasagawa ng pakikipagpanayan sa mga testigo sa pinangyarihan ng krimen na maaaring makapagbibigay ng mahalagang impormasyon para sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Sa inisyal na ulat kung saan bandang alas 2:oo ng hapon noong ika-4 ng Enero 2010, ang biktima at ang asawa nito na si Digna ay lulan ng itim na Chevrolet Trailblazer (ZAE-708) habang binabagtas ang Francisco St. malapit sa Mary Homes Subdivison, Brgy. Sauyo, Novaliches, nang harangin at pagbabaril ng dalawang suspek na naka motorsiklo ang bise alkalde.

Si Maristela ay nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan. (BICOLTODAY.com/Bennie Recibedo)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.