Mt. Bulusan muling bumuga ng abo

6
194
Mt. Bulusan. Photo by Don Gloriane
Photo by Don Gloriane

IROSIN, SORSOGON (November 12, 2010) – Muling bumuga ng abo ang Mount Bulusan bandang alas 7:00 ng umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) bumuga ng maiitim at makakapal na usok ang nasabing bulkan na tinatayang umabot sa taas na 500 metro. Sa ngayon nasa level 1 ang alerto ng bulkan kung kaya’t pinaalalahanan ang publiko na nakapalibot sa bulkan ang ibayong pag-iingat sanhi na pagbuhos ng lahar at iba pang sakit sanhi na pagkakalanggap ng abo.

Mas pinaigting ngayon ang pagbabantay ng mga otoridad upang maiwasan ang anumang sakuna na maaring idulot dala ng pagsabog ng bulkan. Inalerto na rin ng Provincial Management and Risk Reduction Council ang mga action centers sa mga munisipalidad na nasa palibot ng bulkan.
(BICOLTODAY.com)

6 COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.