Budget Chair ng SP Sorsogon planong patalsikin, “ala mafia” sa kapitolyo namumuo

0
172
(From Left) Board Members Angel Escandor and Benito Doma during the SP regular session. Photo by BICOLTODAY.com
(From Left) Board Members Angel Escandor and Benito Doma during the SP regular session. Photo by BICOLTODAY.com

SORSOGON CITY – Walang saysay ang pagiging malapit ni Board Member Angel Escandor sa kasalukuyang administrasyon ni Gobernador Raul Lee matapos na isulong ng mga kasamahan nito sa Sangguniang Panlalawigan ng Sorsogon ang planong reorganisasyon ng mga komite lalo na ang Committee on Budget and Appropriations na pinamumunuan ng naturang opisyal.

Sa isinagawang regular na sesyon ng SP iminungkahi ni Board Member Benito Doma ang pag-reorgnisa ng Budget and Appropirations Committee, bagay na ikinabigla ng mismong chair na si Escandor.

Layon ng naturang reorganisasyon na ibalik ang dating chair nito na si Liga ng mga Barangay president Bong Hao na sinasabing malapit sa goberndor.

Sinabi ni Doma a buo pa rin ang tiwala ng kasalukuyang administrasyon kay Escandor. Ayon pa rin na ang naturang opisyal ang reorganisasyon ay pre-arrange na, kung saan na sa pag upo ni Bong Hao bilang pangulo ng PCL siya na ang magte-chair ng budget committee.

Dinagdag pa ng Doma na si Escandor na an magiging chair ng committee on infra kapalit niya at siya naman ang magiging chair ng bagong bubuuing committee on climate change.

Samantala, isiniwalat din ng isang opisyal ng SP na ayaw magpabanggit ng pangalan na may namumuong “ala mafia” sa kapitolyo kung saan pawang malalapit na kaalyado ang humahawak ng maseselang posisyon o komite. Tinukoy din ng naturang opisyal na pati mga kontrata ay hawak din ng ilang tauhan nito. Idingdag pa nito na maaring ito ang isang dahilan bakit gustong patalsikin si Escandor bilang chair ng Budget Committee.

Si Escandor ay sinasabing maaring makasagabal sa ilan pang plano ng administrasyon kung hindi ito mapapalitan dahilan sa pagiging mapanuri nito sa ilang panukala sa sanggunian.

Sa kabilang dako, maluwag na tatanggapin ni Escandor kung ano ang magiging kalalabasan ng report ng Committee on Rules na siyang didinig sa planong reorganisasyon ng mga komite sa Sangguniang Panlalawigan. Sinabi pa nito na walang siyang intensiyon na nangunyapit sa pwesto at plano na rin niyang magbitiw sa lahat ng chairmanship niya sa komite sa SP. (BICOLTODAY.com)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.