Lee, Ubaldo binatikos sa operasyon ng mina sa Matnog

1
214
Sorsogon Governor Raul R. Lee. PHOTO BY BICOLTODAY.COM

SORSOGON CITY– Umalma ang ilang miembro ng Sorsogon People’s Organization sa naging hamon ni Gobernador Raul Lee na magpakita ng kaukulang ebidensya ang sinuman na ang operasyon ng mina sa bayan ng Matnog ay makakaapekto sa naturang lugar.

Ayon sa SPO na dapat na maging mapanuri an opisyal sa kanyang binitiwang pahayag dahilan hindi lamang usapin nang pagkasira ng kalikasan at kabuhayan ng mamamayan kundi ang mga batayang karapatan ay maaring malabag. Ani nila mas may malalim dahilan na banggaang ng ilang pulitiko operasyon ng mina sa Matnog.

Ayon pa din sa grupo hindi lamang ang kasalukuyang pamunuan ng naturang bayan ang may interes sa operasyon ng mina kundi ang dati ring opisyal ng nasabing bayan at diumano’y ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng lalawigan.

Kamakailan lamang sa panayam kay Gobenador Lee ng radyo dzMS, sinabi nito na magre-resign siya sa oras na may makitang natutuyong puno ng niyog sa loob ng minahan. Hinamon din nito ang ilang personalidad at grupo na kontra sa mina na patunayan nila na talagang makakaapekto ito sa mga tao.

Pinatitigil rin ng gobernador ang ilang midya sa pagbibigay ng impormasyon hinggil sa operasyon ng mina na nakakagulo lamang daw sa publiko. Bagay ng ikinabahala ng ilang mamamhayag at sinabi nila na porma ng pagsupil sa kalayaan sa pamamahayag ang pahayag ng opisyal at karapatan ng publiko na malaman ang katotohanan.

Matatandaan na umani ng pagbatikos mula sa mga residente sa bayan ng Matnog maging ang lokal na simbahan na mariing tumututol sa operasyon ng mina ng ANTONES ENTERPRISES sa Barangay Balocawe ng nasabing bayan. Naging daan din ito ang sunod-sunod na kilos protesta.

Sa kabilang dako, nagsagawa na rin ng imbestigasyon ang komite sa Sangguniang Panlalalwigan upang alamin kung may paglabag ang ANTONES ENTERPRISES at kung ito’y may kaukulang permiso ang naturang kumpanya.

Batay sa rekord na nakalap ng BICOLTODAY.com, nabigyan ng permiso ang kumpanya ng mina ni dating Gobernador Sally Lee noong ika-23 Setyembre 2009 at ni dating Matnog Mayor Guaming So noong ika-2 ng Pebrero 2010. Nabigyan rin ng Environmental Compliance Certificate ng Environmental Management Bureau ng DENR sa pamamagitan ni Gilbert Gonzales, Regional Director ang nasabing kumpanya. Ganap upang makapagsimula ng kanilang operasyon, bagay na tinutulan ng mamamayan sa mga barangay na sakop ng pagmimina. (BICOLTODAY.com)

1 COMMENT

  1. pakisabi sa gobernador natin wag na nya hintayin n may matuyo pang puno sa bundok ng pagmiminahan bago kumilos o kaya bago pa nya ipatigil.ang pagkakuha ng isang pirasong ginto ay katumbas ng habang buhay na pagsisisi ng mga tao dyan sa lugar..pati kita nyo nman yung lupa dyan sa balocawe malambot ang lupa dyan..konte ulan lng cgurado soil erosion kagad..wag nyo nang hintayin na may masawi pa bago kayo tumigil.kailngan ng tao sa matnog ng trabaho na maayos hindi yung trabaho n nakalagay na ang kalahating paa s hukay..kaya nabigyan yan ng permit kasi nagkalagayan…mag eeleksyon kasi nung time n yon..pangvote buying ng pulitiko..

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.