Kalagayan ng karapatang pantao sa Bicol nakakaalarma – CHR

0
901

LEGAZPI CITY – Mas nakakabahala ang sitwasyon ng karapatang pantao sa rehiyon bikol ito an inihayag ni Atty. Hanil Almuguera, Legal Counsel ng Commission on Human Rights sa Bicol. Ayon sa kanya na mas nakakaalarma an kalagayan g pantao matapos na maitala ng kanilang tanggapan an mataas na bilang ng mga kaso ng extra-judicial killings o EJK.

Sa kanilang talaan umabot na sa 61 na kaso an naisampa ngayon taon. Kabilang na dito an mga kaso ng pagpaslang sa lalawigan ng Albay at Masbate.

Binigyan diin ni Atty. Almuguera ang mga alituntunin o batas na nagbibigay proteksiyon sa bawat mamamayan na biktima ng mga paglabag gaya ng writ of amparo at writ o habeas corpus.

Ngunit nilinaw nito na hindi ito batayan para maresolba ang mga naturang kaso. Sinabi pa nito na hangga’t hindi pa naa-outlaw ang extra-judicial killings o extra legal killings at enforced disappearances hindi pa rin masasampahan ang mga salarin sa ganitong mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao dahilan sa hindi ito laman ng kodigo penal o revised penal code ng bansa.

Layon din ng CHR na magsumite ng rekomendasyon sa kongreso para sa pagbalangkas ng batas na magbibigay ng mabigat na kaparusahan sa paglabag sa karapatang pantao lalo ang extra-juducial killings. (BICOLTODAY.com)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.