Batas militar ginunita, paglabag sa karapatang pantao sa Bikol lumala

0
388

SORSOGON CITY – Tatlumpu’t walong taon (38) na ang nakakaraan mula ng ideklara ng batas militar ay wala pa ring pagkakaiba sa kasalukuyang kalagayang ng karapatang pantao sa boung bansa ito ang naging pahayag ni Vince Casilihan, Research and Documuention Head ng Karapatan-Bikol. Ayon sa kanya na kung ihahambing ang bilang ng biktima ng martial law sa panahon ng diktaduryang Marcos at sa panahon ni Ginang Gloria Arroyo ay natumbasan nito ang bilang ng paglabag sa karapatang pantao sa maiiksing panahon ng panunungkulan nito.

Sinabi ni Casilihan na sa panahon ng batas militar ay umabot sa 1,639 ang napaslang samatalang sa siyam (9) na taon ni Arroyo ay umabot sa 1,191 ang biktima ng extra-judicial killings, 205 ang kaso ng pagdukot; 1,028 torture, samantalang 1,963 ang illegal na inaresto, kung saan ang rehiyon bikol ay nakapagtala nang may pinakamataas na bilang ng pinaslang o EJK sa buong bansa na umabot sa 213 samantalang sampu (10) ang dinukot.

Dinagdag pa ni Casilihan, na sa unang hati lamang ng taon 2010 labing amin (16) na ang biktima ng pampulitikang pamamaslang sa Bikol. Siyam (9) ang mula sa lalawigan ng Albay at pito (7) sa Masbate. Samantala sa lalawigan ng Sorsogon ay mas lumala ang militarisyon hindi lamang sa kanayunan kundi maging sa kalunsuran sa pamamagitan ng programang Army Concerned and Community Organizing for Dev’t o ACCORD na walang ibang layon ang maniktik at buwaging ang mga makabayang orgnisasyon sa kalunsuran.

Ayon naman sa Karapatan-Sorsogon ang lalawigan ang may pinakamataas na bilang ng extra-judicial killings sa rehiyon na umabot na 62 ang biktima ng EJK at sa kabuuang 421 na kaso ng paglabag sa karapatang pantao gaya ng illegal na pag-aaresto, harassment, pambubugbog, paghahalughog at iba.

Sa naging ulat pa ng Karapatan-Sorsogon, na ang pagtindi ng mga paglabag sa karapatang pantao ay bunga ng pinaigting na kampanya ng gobyernong Arroyo sa pamamagitan ng Oplan Bantay Laya o OBL 1 at 2. Pinatupad ang naturang patakaran upang supiliin ang mga lehitimong organisasyon ng mamamayan at mga personalidad na kritiko sa administrasyon. Ngunit ang nakakalungkot sa pagpalit ng pamunuan ng gobyerno ay mas sinusugan at ipinagpatuloy pa ni Pangulong Benigno Aquino, Jr.

Kamakailan lamang ay inihayag ni Aquino ang karadagang badyet para sa susunod na taon ng militar at pulisya para sa modernisasyon ng armas pandigma imbes na dagdagan ang badget ng pangunahing serbisyo gaya ng edukasyon, kalusugan, agrikultura at ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.

Ayon pa sa Karapatan-Sorsogon na walang ipinagkaiba ang mga patakaran na ipinatutupad nang sino mang umuupong pangulo o bagong gobyerno. Nariyan pa rin ang mga mapanupil na mga batas, batas na nagbibigay proteksiyon sa mga makapangyarihan. Kaalinsunod nito ang patakarang liberisasyon ay nariyan pa rin gaya ng pagbubukas ng Pilipinas para sa pagdaigdigang merkado lalo na ang pagmimina kasabawat ang mga naghaharing lokal na kapitalista at pulitiko.

Ang mga ganitoang patakaran ay nagdudulot lamang pagsira ng kalikasan, dislokasyon, kawalang trabaho at malawakang paglabag sa karapatang pantao.
Binigyang pugay ng human rights group ang mga nagging martir sa pahanon ng batas militar. Kasabay nito ang katarungan at imdemnipikasyon para sa mga biktima ng karapatang pantao.(BICOLTODAY.com)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.