2 arestado sa ‘vote buying' umano sa Sorsogon City | BICOL TODAY

2 arestado sa ‘vote buying’ umano sa Sorsogon City

Contributed Photo

SORSOGON CITY – Dalawang lalaki ang nasa kustodya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Sorsogon matapos maaktuhang sangkot umano sa vote buying and selling sa kanilang barangay sa Pangpang sa Sorsogon City Linggo ng hapon.

Nakuha mula sa dalawa ang mga campaign leaflets at P80,000 pera na umano’y nakalaan para sa pagbili ng boto.

May P1,000 laman ang bawat sample ballot kung saan nakalista umano ang mga kandidatong dapat iboto.

Ayon kay Police Major Steve Dela Rosa, provincial chief ng CIDG Sorsogon, simula pa nitong Sabado ay mas pinaigting na nila ang kanilang operasyon lalo na’t marami ang lumalabas na impormasyon na talamak ang pagbili at pagbebenta ng boto sa siyudad.

Simula nitong Sabado, apat na ang mga nahuli na sangkot sa vote buying at selling na lahat ay haharap sa kasong paglabag ng omnibus election code ng Commission on Elections. [Source: Karren Canon, ABS-CBN News]

Posted by on May 12, 2019. Filed under Bicol News,Top Stories. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.