Mag-asawa patay sa banggaan ng bus, tricycle sa Albay | BICOL TODAY

Mag-asawa patay sa banggaan ng bus, tricycle sa Albay

Photo from news.abs-cbn.com


DARAGA, Albay, 20 May 2018 — Patay ang mag-asawang lulan ng tricycle nang mabanggaan ito ng bus, Linggo ng umaga sa Barangay Peñafrancia sa bayang ito.

Hindi na nakarating ng buhay sa ospital ang mag-asawang sina Rodel Groyon y Gernale Merina Groyon y Gernandizo nang mabangga ng bus ang sinasakyan nitong tricyle.

Ayon sa driver ng bus na si Joey Edra, galing sila ng Sorsogon pupuntang Legazpi, nang nasa bahagi na sila ng Barangay Peñafrancia ay bigla umano nag-overtake ng tricycle na sinasakyan ng mga biktima sa isa pang tricycle kaya nabangga ito ng bus.

Walang namang nasaktang pasahero ng bus. Sa kasalukuyan patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring aksidente.

Posted by on May 20, 2018. Filed under Bicol News,Top Stories. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *