Babaeng may diperensya sa pag-iisip natagpuang patay sa Sorsogon | BICOL TODAY

Babaeng may diperensya sa pag-iisip natagpuang patay sa Sorsogon

Courtesy of Wikipedia.org

PILAR, Sorsogon – Isang babae na may sakit sa pag-iisip ang natagpuang patay sa Barangay Esperanza, Pilar, Sorsogon, Huwebes, Marso 29, 2018, ala-una ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Marieta Mejela y Nicol, 51 taong gulang, dalaga, na may sakit sa isip mula pa noong pagkabata.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay natuklasan ng mga kapamilya na wala nang buhay sa loob ng bahay nito at may tama taga sa ulo na naging sanhi umano ng pagkamatay nito.

Sinabi Police Senior Inspector Jose Arnel Geronga na ang investigator-on-case ay nagsasagawa ngayon ng pakikipanayam sa mga kalapit na residente nito at malalim na pagsisiyasat upang matukoy ang motibo sa likod ng pagpatay kay Mejela. [BicolToday.com]

Posted by on March 30, 2018. Filed under Bicol News,Top Stories. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *