Dating administrator ng Matnog, Sorsogon patay sa operasyon ng PDEA | BICOL TODAY

Dating administrator ng Matnog, Sorsogon patay sa operasyon ng PDEA

Photo courtesy of Wikipedia.org

SORSOGON CITY (BicolToday.com) — Patay ang dating municipal administrator ng Matnog, Sorsogon sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP, Linggo, Marso 11, 2018 sa Balay Dormitoryo, Monreal St., Talisay, Sorsogon City.

Ang biktima kinilalang si Edgar Gardon, na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan matapos umanong manlaban sa mga operatiba ng PDEA at PNP habang sini serve ang seach warrant sa kaniyang tinitirhang domitoryo sa lungsod ng Sorsogon.

Sa inisyal na report, habang inihahain ng mga otoridad ang warrant ay biglang isinara nito ang pintuan at nagpaputok ng baril, kung kaya’t gumanti ng putok ang mga otoridad na naging dahilan ng pagkakapatay sa suspek na si Gardon.

Ayon sa PDEA mahigit isang buwan na nilang minamanmanan ang kilos ng suspek, dahil sa positibong impormasyon na may kinalaman ito sa droga, kun kaya’t ikinasa ang pag serve ng search warrant.

Sa kasalukuyan patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng PNP.

Si Gardon nagsilbi bilang municipal administrator nina dating mayor Emilio Ubaldo at Guillermo So ng Matnog, Sorsogon. [BicolToday.com]

Posted by on March 11, 2018. Filed under Bicol News,Headlines. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *