₱125 milyong halaga ng hinihinalang ‘cocaine’, narekober sa baybayin ng Sorsogon | BICOL TODAY

₱125 milyong halaga ng hinihinalang ‘cocaine’, narekober sa baybayin ng Sorsogon

Photo by Darrel Jun Buena

By BicolToday.com News Team

Narekober ng PNP Matnog ang 25 pakete ng iligal ng droga na nasa loob ng isang plastic container sa baybayin ng Juag Lagoon, Barangay Calintaan, Matnog, Sorsogon, Miyerkules, Enero 3.

Tinatayang aabot sa limang (₱5,000,000.00) milyong piso ang halaga ng bawat pakete ng hinihinalang “cocaine” na umaabot sa kabuuang 125 milyong piso (₱125,000,000.00), ayon kay Police Senior Superintendent Marlon C. Tejada, Sorsogon PNP Provincial Director.

Nadiskobre ang naturang droga sa baybayin ng Juag Lagoon ni Ginoong Robert Galvez na agad namang inireport sa mga otoridad.

Ayon kay Police Inspector Henry A. Red, chief of police ng Matnog, kaagad niyang pinadala ang mga tauhan upang siyasatin ang nasabing report at doon nadiskubre ang 25 pakete ng hinihinalang droga na umaabot sa 1 kilo ang bawat isa.

Agad manang pinadala ang hinihinalang droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 5 sa lungsod ng Legazpi para masuri ang ang ito. [BicolToday.com]

Photo by Darrel Jun Buena

Photo by Darrel Jun Buena

Photo by Darrel Jun Buena

Posted by on January 5, 2018. Filed under Bicol News,Headlines. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *