12-anyos na nagsimbang-gabi ginahasa sa Malilipot, Albay | BICOL TODAY

12-anyos na nagsimbang-gabi ginahasa sa Malilipot, Albay

LEGAZPI CITY — Isang 12 taong gulang na batang babae ang natagpuang wala nang saplot pang-ibaba, duguan at may bakas ng bugbog sa katawan sa isang masukal na lugar sa isang barangay sa Malilipot, Albay, Martes ng umaga, Disyembre 19, 2017.

Sa inisyal imbestigasyon ng pulisya, mag-isang dumalo sa simbang-gabi o Misa de Gallo ang bata at sinasabing ginahasa ito.

Kaagad na isinugod sa ospital ang biktima matapos an matagpuan ito. Ligtas at kasalukuyang nagpapagaling na ito sa isang ospital.

Sa ngayon tinutigis na ng mga otoridad ang dalawang salarin na posibleng may kinalaman sa nangyaring krimen.

Nagpa-alala naman nag pulisya na huwag hayaang mag-isa sa labas ng bahay ang mga bata o menor-de-edad lalo na sa gabi. [BicolToday.com]

Posted by on December 20, 2017. Filed under Bicol News,Top Stories. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *