Transport strike sa Sorsogon tuloy – ayon sa Bayan | BICOL TODAY

Transport strike sa Sorsogon tuloy – ayon sa Bayan

SORSOGON CITY – Tuloy ang transport strike o tigil pasada ng transport groups sa Sorsogon bukas, Disyembre 4.

Ayon sa Bayan-Sorsogon ilang transport groups na ang nagpahayag ng pakikiisa at sasabay sa nakatakdang tigil-pasada, ang mga ito ay ang Casiguran, Castilla, Bulusan, Gubat, Irosin, Juban, Prieto Diaz, Magallanes at Matnog.

Sa kabila ng pagkansela ng tigil pasada ng Piston sa Metro Manila ay tuloy pa rin sa Bicol ang naturang aktibidad batay na rin sa naunang pahayag ni Ramon Rescovilla, tagapangulo ng Condor-Piston-Bicol.

Transport strike, protest-caravan sa Bicol tuloy sa Dec. 4-5

Ayon sa Bayan-Sorsogon suportado nila ang panawagan ng transport groups sa pagbasura sa panukalang jeepney phase-out ng pamahalaang Duterte.

Sa panayam ng BicolToday.com kay George San Mateo, sinabi nito na pinagpaliban nila pansamantala ang transport-strike sa Lunes at Martes upang bigyang daan ang apela ni Senador Grace Poe na talakayin sa hearing sa Senado sa Disyembre 7, para imbestigahan at marinig ang mga karaingan ng mga driver at operator laban sa jeepney phase-out.

Sinabi pa ni San Mateo na magsasagawa pa rin sila ng protest caravn sa Mendiola bukas para singilin si Pangulong Rodrigo Duterte at balaan para sa isang malakihang rally sa Enero kung itutuloy nito ang balak na e phase-out ang mga jeepney sa susunod na taon.

Sa kabila ng nakaambang na transport strike, inihayag ng DepEd Sorsogon City Division Office na may pasok o klase bukas (Lunes) sa lahat ng antas sa lungsod.

Samantala, sa lalawigan ng Albay idineklara ni Governor Al Francis Bichara na #WalangPasok o klase sa lahat ng antas (pribado at pampublikong paaralan, ngunit may pasok o trabaho sa pribado at pampublikong tanggapan.

Transport strike to roll on Monday, Tuesday; Albay governor orders class suspension, work in gov’t and private to continue

Sa lalawigan ng Camarines Sur, binawi ni Governor Migz Villafuerte ang nauna nitong advisory na #WalangPasok, kung kaya’t bukas balik na sa normal ang klase at trabaho sa pribado at pampubliko. [BicolToday.com]

BICOLTODAY.COM FILE PHOTO

Posted by on December 3, 2017. Filed under Bicol News,Top Stories. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *