Transport strike, protest-caravan sa Bicol tuloy sa Dec. 4-5 | BICOL TODAY

Transport strike, protest-caravan sa Bicol tuloy sa Dec. 4-5

Photo by Angel De Mesa/File

By BicolToday.com News Team

LEGAZPI CITY, 3Dec2017 – Tuloy ang dalawang araw na transport strike o tigil-pasada at mga protest-caravan sa rehiyong Bicol sa Disyembre 4 at 5.

Sa panayam ng BicolToday.com kay Ramon Rescovilla, tagapangulo ng Condor-Piston-Bicol, sinabi nito na sa kabila ng pagpaliban ng mass transport strike ng Piston sa Metro Manila, tuloy pa rin ang strike sa Bicol kasabay na rin ang mga protesta at caravan sa ilang mga lugar.

Ayon kay Rescovilla, kasado na ang mga transport groups sa lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Sorsogon.

Samantala, sa ibang mga lalawigan magsasagawa ng caravan at protest rally bilang pagsuporta sa kanilang panawagan laban sa phase-out ng mga jeepney at iba pang mga isyu gaya ng patuloy na paglabag sav karapatang-pantao o extra-judicial killings (EKJ) sa mga magsasaka at sibilyan.

Matatandaan na nagdeklara sina gobernador Al Francis Bichara at Migz Villafuerte ng kanselasyon ng mga klase sa lahat ng antas. Samantal sa Albay may pasok ang mga kawani ng pamahalaan at sa Camarines Sur walang pasok ang mga kawani sa pribado at pampublikong tanggapan.

Governor Villafuerte in Camarines Sur suspends classes on Monday to evade transport strike

Transport strike to roll on Monday, Tuesday; Albay governor orders class suspension, work in gov’t and private to continue

Sa panayam ng BicolToday.com kay George San Mateo, sinabi nito na pinagpaliban nila pansamantala ang transport-strike sa Lunes at Martes upang bigyang daan ang apela ni Senador Grace Poe na talakayin sa hearing sa Senado sa Disyembre 7,  para imbestigahan at marinig ang mga karaingan ng mga driver at operator laban sa jeepney phase-out.

Sinabi pa ni San Mateo na magsasagawa pa rin sila ng protest caravn sa Mendiola bukas para singilin si Pangulong Rodrigo Duterte at balaan para sa isang malakihang rally sa Enero kung itutuloy nito ang balak na e phase-out ang mga jeepney sa susunod na taon. [BicolToday.com]

Posted by on December 3, 2017. Filed under Bicol News,Headlines. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *