₱6.9-M na shabu nasakote sa Albay | BICOL TODAY

₱6.9-M na shabu nasakote sa Albay

LEGAZPI CITY – Nasa 6.9 milyong piso na halaga ng shabu ang nasakote ng mga otoridad sa buy-bust operation sa Barangay Oro Site, dito sa lungsod, Sabado ng gabi, Disyembre 2, 2017.

Nakuha ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang suspek na sina Ismael “Opaw” Onsad at Angelu Ariraya ang mahigit sa isang (1) kilo ng shabu.

Ayon sa PDEA, ang mga suspek ay pangunahing supplier ng iligal na droga sa lalawigan ng Albay.

Sa ngayon nasa kamay ng mga otoridad ang mga suspek at nakatakdang sampahan kaso sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act (R.A.) No. 9165.

Posted by on December 3, 2017. Filed under Bicol News,Top Stories. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *