PASISTA

ni Emmanuel Silang

Ligal na dahas.
Parang asong ulol.
Mapangahas.
Mangangagat
Ng lahat ng nagaaklas.

Ngunit
Kung bakit may pagaaklas
Wala ng pakialam
ang asong ulol na madahas.
Mabunganga siya! maingay!
Reaksyunaryo siyang tunay!

Ang tangi nitong gusto
Ay tumahimik ang lahat.
Maging sunud-sunuran ang lahat
Sa mga kagustuhan niya’t pamimintas.

Ligal na dahas
Ang huli nitong alas!
Laban sa mga taong
Wala humpay nang pagsigaw
Ng kanilang mga dinaras

Ligal na dahas
Ang tangi nitong sagot
Sa mga nagdaang panahon
Hanggang sa ngayon!

Ligal na dahas
Labanan ng makatwirang pagaklas!
Ng lahat ng inaaping mamamayan
Sa bawat sulok nitong kalupaan!
Buhayin natin ang mga katawang
nasanay na sa pagyuko!
Magtaas kamao, mga pulang palaban!

Kian Lloyd Delos Santos. Photo by Ezra Acayan

Posted by on August 23, 2017. Filed under Opinion. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *