Pagtatambak ng sandamukal na pulis; senyales ng kapraningan – Anakbayan | BICOL TODAY

Pagtatambak ng sandamukal na pulis; senyales ng kapraningan – Anakbayan

MANILA, 28July2014 — Kinondena ng Anakbayan, progresibong organisasyong masa ng kabataan, ang planong pagsupil sa malayang pagpahayag ng diskontento sa administrasyong Aquino sa darating na State of the Nation Address. Ayon sa balita mahigit 10,000 na pulis at 400 na membro ng AFP ang intasan na humarang sa bulto ng mga progressibong pwersa sa darating na SONA.

“Kitang kita na paraning na si Aquino, magdedeploy ng sandamukal na pulis at sundalo para lang mapigilan ang masa na mag protesta laban sa kabulukan ng kasalukuyang sistema na pinamumunuan niya,” sabi ni Vencer Crisostomo, Pambansang tagapangulo ng Anakbayan.

“Talaga naman praning na tong si Aquino, dahil lantad na sa bayan ang pagiging ‘Thief Executive’ niya,” dagdag ni Crisostomo.

Ayon din sa mga balita, may mga konkretong pader at concertina wire na inilagay sa kahabaan ng Commonwealth Avenue para sa SONA sa lunes.

“Kaya parang asong bahag ang buntot ngayon tong si Aquino ay dahil alam niya na balang araw siya at ang kanyang Pork gang naman ang papalibutan ng kongretong pader at concertina wire dahil sa katiwalian nila,”sabi ni Crisostomo.

Nangako ang Anakbayan na tuloy lang ang laban hangang sa tunay na pagbabagong panlipunan kahit na ano pang balakid ang iharang.

“Sa lahat ng sawa na sa bulok na sistema at may pakialam sa kalagayan ng bansa, makiisa sa pakikibaka para sa tunay na pagbabagong panlipunan at sumama sa SONA ng BAYAN sa darating na Hulyo 28,” sabi ni Crisostomo.

Posted by on July 28, 2014. Filed under Filipino News,Top Stories. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *