Insurance para sa mga mamamahayag ipinanukala | BICOL TODAY

Insurance para sa mga mamamahayag ipinanukala

BicolToday.com

Muling itinulak ni Bayan Muna congressman Teddy Casino ang isang insurance program para sa mamamahayag.

Hinikayat ng kandidato sa pagka-senador ang mga kapwa mambabatas na bilisan na ang pagpasa ng House Bill 2842 or the Journalist Insurance Bill.

Ginawa rin ng kongresista ang pahayag matapos lamang ang paggunita ng ikatlong anibersaryo ng Ampatuan Massacre nitong nakaraang Byernes.

Ayon kay Casino, nagpapatuloy pa rin ang pagpatay at pang-uupat sa mga mamamahayag sa mga bansa kahit pa sa ilalim ng umanoý daang matuwid ni Pangulong Benigno Aquino.

Kung maisasabatas ang panukala ni Casino, makakatanggap ng dalawang daang libong piso ang pamilya ng pinaslang o nalumpong mamamahayag, bukod pa sa isang daang libong pisong pagpapagamot kung sila ay nasaktan habang nagtatrabaho. [RV/Nob. 30, 2012]

Posted by on November 30, 2012. Filed under Filipino News. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *