Pangulong Aquino hinikayat na bigyang hustisya ang mga manggagawa ng RPN 9

Malacanang Photo

Nanawagan si Anakpawis congressman Rafael Mariano kay Pangulong Benigno Aquino na bigyang katarungan ang dalawang daan at labintatlong manggagawa ng RPN 9 na tinanggal sa trabaho noong a-kinse ng buwang kasalukuyan.

Ayon sa Anakpawis, direktang nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ang Presidential Communication Operations Office o PCOO, ang ahensiyang may superbisyon sa naghihingalong pampublikong television at radio network.

Tinanggal ang daan-daang mga manggagawa ng walang separation pay, bukod pa sa pagkakautang ng gubyerno ng isang daan at tatlong milyong piso sa mga empleyado ng RPN 9 simula pa noong 2001.

Binili ng Solar Entertainment ang tatlumpu’t apat na porsyento ng network subalit ayaw ng kumpanyang ipagpatuloy ng mga empleyado ang kani-kanilang mga kontrata.

Dagdag ng Anakpawis, tipikal sa gubyerno at mga kapitalista na basta na lamang itapon ang mga manggagawa kahit pa napakinabangan na ang kanilang serbisyo sa loob ng maraming dekada. [RV/Nob. 27, 2012]

Posted by on November 27, 2012. Filed under Filipino News. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *