Pilipinas, hindi basurahan ng Estados Unidos

The United States aircraft carrier “George Washington” (CVN-73) is anchored at the Manila Bay for a five-day goodwill visit from Oct. 24 to 29, 2012. Its officers and crew are expected to participate in various civic and military engagements in Metro Manila and Cavite. PHOTO BY PRIAM F. NEPOMUCENO/PNA

Hindi dapat payagang ituring na basurahan ng Estados Unidos ang bansang Pilipinas.

Ito ang pahayag ni Gabriela Women’s Party congresswoman Emmi de Jesus sa gubyernong Aquino bilang reaksiyon sa naiulat na pagtatapon ng nakakalasong kemikal sa subic Bay ng isang barkong kontraktor ng US Navy.

Sa garapalang paglabag sa soberanya ng bansa, hinamon ni De Jesus si Presidente Benigno Aquino na tapusin na ang Visiting Forces Agreement.

Hindi umano usapin kung nakakalason ang itinapong basura o hindi kundi ang kawalang-galang ng mga dayuhan sa integridad ng teritoryo ng Pilipinas, ayon pa sa mambabatas.

Kung maamo at sunod-sunuran umano ang gubyerno sa ganitong pagkilala ng ibang bansa, hindi raw uunlad ang pagtingin ng ibang bayan sa Pilipinas, dagdag ni De Jesus. [RV/Nob. 16, 2012]

Posted by on November 16, 2012. Filed under Filipino News. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>