APPEAL FOR HELP: FOREIGN AND LOCAL AID SOUGHT FOR BICOL HOMELESS

Inquiry hinggil sa geothermal isasagawa ng Sorsogon prov’l board

Sorsogon Vice Governor Antonio 'Kruni' Escudero. Photo by BicolToday.com

SORSOGON CITY (BicolToday.com/30 Nov. 2011) – Nakatakdang magsagawa ng inquiry ang Sangguniang Panlalawigan ng Sorsogon hinggil sa geothermal project ng Department of Energy at Summa Kumagai Industries (SKI) sa lalawigan sa darating na Disyembre 6, 2011, alas dos ng hapon (2pm) sa SP session hall.

Ayon kay Vice-Governor Antonio Escudero, layon ng hearing upang malaman nila ang isasagawang proyekto ng DOE at SKI at maintidihan nila kung ano itong ‘Geothermal’.

Una nang nagpahayag ng pagsang-ayon ang bise gobernador at sinabi nito na geothermal ang pinakaligtas at alternatibong pagkukunan ng enerhiya kumpara sa coal at paggamit ng petrolyo o diesel.

Ngunit may panukala ang ilang kasapi ng board na bago isagawa ang committee hearing ay dapat na magsumite muna ng mga dokumento ang SKI.

Sinabi ni Board Member Vladimir Frivaldo na kailangang isumite ng SKI sa provincial board ang company profile nito, gaya ng SEC, DTI, mayor’s permit, exploration permit application at iba pa.

Ang naturang kahilingan ay ipinadala na ni BM Frivaldo sa tanggapan ni Vice Governor Escudero para sa karampatang aksiyon.

Samantala, sinabi naman ni Board Member Escandor na ang hearing ay isang inquiry lamang upang malaman kung ano itong proyekto ng Department of Energy (DEO) at ng Summa Kumagai Industries (SKI) sa lalawigan ng Sorsogon.

Bisita sa gagawing inquiry ang mga opisyal ng DOE, SKI, DENR at PHILVOCS.

Sa kabilang dako, umalma ang mga environmentalist group kung bakit wala ipinadalang imbistasyon sa mga apektadong residente, NGO’s at PO’s ang secretariat ng Sangguniang Panlalawigan. BicolToday.com

Copyright 2011 BicolToday.com. All rights reserved.  Read BicolToday.com Syndication Policy.

Posted by on November 30, 2011. Filed under Bicol News,Top Stories. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

One Response to Inquiry hinggil sa geothermal isasagawa ng Sorsogon prov’l board

  1. eddie dorotan Reply

    December 5, 2011 at 3:24 pm

    Saang email address po ng Bicol Today puede ko ipadala ang aking opinyon kung bakit ayaw ko ng geothermal sa Irosin? Salamat po Dr Eddie Dorotan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>