Transport strike sa Bicol matagumpay – Piston

Si Eddie Ferreras, tagapangulo ng Piston Sorsogon (gitna) habang kinakapanayam ng media. BicolToday.com File Photo

SORSOGON CITY (Aug 31, 2011) – Matagumpay na nailunsad ng transport groups sa Bicol ang tigil-pasada sa buong rehiyon ngayon araw.

Sa naging assessment ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) halos 93% ang kabuuang pagkaparalisa ng transportasyon sa rehiyon.

Ayon kay Eddie Ferreras, officer-in-charge ng Condor-Piston-Bicol na umaabot sa 98% ang pagkaparalisa sa lalawigan ng Albay, 99% sa Sorsogon, 85% sa Camarines Sur, 95% sa Masbate, samantalang nagsagawa naman ng kilos protesta ang mga tsuper at iba’t-ibang sektor sa Catanduanes.

Sa Sorsogon, halos naparalisa ang boung lalawigan kung saan 100% nakipagsabayan ang mga drivers at operators ng jeepney, bus at van. Samantalang may mangilan-ngilang tricycle ang namamasada. Ngunit ayon kay Mike Frayna, pangulo ng Federated Association of Tricycle Operators and Drivers (FASTOD) ay mga na tricycle na namamasada ay pawang kolurom o walang prangkisa at hindi kasapi ng kanilang orgnisasyon. Sinabi ni Frayna na buo ang kanilang suporta sa isinasagawang transport strike.

Sa kabilang dako, ipinanawagan ng Condor-Piston-Bicol ang isang bigtime roll back na P9.00 sa produktong petrolyo dahil sa overpricing ng mga kumpanya ng langis.

Ayon sa grupo, napakataas ng presyo ng langis mula ng umupo si Pangulong Benigno Aquino nang mahigit sa P10.00 piso, kung saan itinutulak nito ang pagtaas din mga pangunahing bilihin gaya ng bigas.

Sinabi pa ng Piston na laging palusot ng kartel na Petron, Caltex at Shell ay sinusunod diumano nila ang paggalaw ng presyo sa pandaigdigang pamilihan.

No classes

Ilang pribado at pampublikong paaralan sa lalawigang ng Sorsogon ang nagdeklarang walang pasok.

Una nang inihayag ni Sorsogon State College (SSC) President Antonio Fuentes na walang pasok sa lahat ng level.

Wala ring nagawa ang DepEd Division Office ng Sorsogon City kundi magdeklarang  walang pasok sa elementary level dahilan sa iilan lamang na mag-aaral ang pumasok.

Sa panayam ng BicolToday.com kay Ginang Virginia Diaz, principal ng Sorsogon East District na natanggap nila ang text message mula sa tanggapan ni Ginoong Virgilio Real na magsagawa na lamang ng make-up classes ang mga naapektuhan klase dahilan sa transport strike.

Ikinatwiran ni Diaz ang hindi kaagad pagdeklarang walang pasok ang omnibus school and office rules and decorum kung saan ang transport strike ay hindi makakahadlang sa operasyon ng paaralan, distrito at division. Maari lamang suspendihin ang klase kung may order ang regional office ng DepEd.

Sa mahigit sa 2,353 na mag-aaral ng Sorsogon East District halos 200 lamang ang pumasok kung kaya’t napilitan silang suspendihin ang klase.

Sumabay din an Computer Communication anDevelopment Institute (CCDI) na walang klase. Ayon kay Edgar Balasta, administrator ito’y bilang pakikiisa nila sa isinasagawang strike ng mga tsuper at opereytor.

Overpricing

May P9.00 overpricing sa langis sa bansa. Ito ang itinatago ng kartel sa kakarampot na pagbaba at kahit pagtaas ng presyo. Tahasang panloloko ang sinasabi ng mga kumpanya an sumusunod sila sa galaw ng presyo ng langis sa mundo, ayon sa Piston.

Dinagdag pa nito na kapag magtataas, paspasan at nakapataas. Kapag magbababa, makpad at napakaliit. Kaya naman lumobo nang todo ang tubo ng kartel.

Oil Deregulation Law

Layon din ng transport groups ang pag-repeal sa Downstream Oil Industry Deregulation Law o R.A. 8497 na siyang sanhi nang walang habas na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

Sinusugan din ng Piston ang pag-apruba sa House Bill 3455 na layuning iregulate ang industriya ng langis. Kasunod ni ang pagtatayo ng National Petroleum Exchange Corporation upang maging sentralisada ang pag-angkat ng langis.

Hiningi rin ng transport groups sa gobyernong Aquino ang muling pagbili sa Petron.BicolToday.com

 

Posted by on August 31, 2011. Filed under Bicol News,Top Stories. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

2 Responses to Transport strike sa Bicol matagumpay – Piston

  1. Alexander Hotchkin Reply

    September 11, 2011 at 12:35 pm

    outstanding work great show

  2. Pingback: Transport strike sa Bicol matagumpay – Piston | BICOL TODAY | Planet Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>