Home Bicol News Sen. Zubiri’s resignation dapat tularan ni Gov. Lee, huwag kapit tuko – Frivaldo

Sen. Zubiri’s resignation dapat tularan ni Gov. Lee, huwag kapit tuko – Frivaldo

2
Sen. Zubiri’s resignation dapat tularan ni Gov. Lee, huwag kapit tuko – Frivaldo
(Third from left) Board Member Vladimir Frivaldo. Photo by BicolToday.com
(Third from left) Board Member Vladimir Frivaldo. Photo by BICOLTODAY.com

SORSOGON CITY – Dapat na tularan ni Sorsogon Governor Raul Lee at iba pang opisyal ng lalawigan na sangkot sa diumano’y maanomalyang transaksiyon ang ginawang pagbitiw ni Senador Juan ‘Migz’ Zubiri sa pwesto.

“Two graft case filed by ombudsman in less than a year against Lee, he should emulate Sen. Zubiri’s delicadeza either resign or file leave of office for 90 days. Wag kapit tuko”, ayon kan second district board member Vladimir Frivaldo.

Sinabi ni Frivaldo kung may natitira pang delicadeza ang opisyal ng lalawigan na nasasangkot sa ilang kaso sa ombudsman ay dapat na itong mag-resign alaalang sa kapakanan ng taong bayan.

Matatandaan na isinasabit sa iregularidad si Gobernador Lee at iba pang opisyal ng lalawigan sa pagbili ng mga pataba at transaksiyon hinggil sa diumano’y maanomalyang implementasyon ng Distance Learning Center Program (DLCP) na nagkakahalaga ng P22 milyon. (Related story)

Sinabi pa ni Frivaldo na kahanga-hanga ang ginawang sakripisyo ni Sen. Zubiri at mas umani pa ito ng papuri.

Bagama’t may ilan na hindi sang-ayon sa pagbitiw ni Zubiri, ngunit gusto pa rin ng karamihan na malaman ang boung katotohanan sa likod ng nangyaring dayaan noong 2007 national elections.

Ang pagbitiw ng senador sa pwesto matapos na lumitaw si dating ARRM election officer Lingtang Bedol na sinasabing nakinabang si Zubiri sa malawakang dayaan sa naturang rehiyon.

Una nang inamin ng naturang senador na wala siyang alam sa nangyaring dayaan sa ARRM at sinabi nito na malinis ang kanyang konsensya kung kaya’t ang kanyang pagbitiw ay upang malinis ang kanyang pangalan at huwag na ito mabahiran ng anumang dungis.

Ngunit marami rin ang nagsasabi na ang pagbitiw ni Zubiri ay upang isalba ang kanyang sarili sa kahihiyan matapos na lumabas ang resulta ng protesta ni Atty. Koko Pimentel sa Senate Electoral Tribunal (SET) na kung saan lamang na ito ng mahigit sa dalawang daang libong boto (200,000).

Sa ngayon hihintay na lang ang desisyon ng SET upang maiproklama si Pimentel matapos na iurong na rin ni Zubiri ang kanyang counter election protest. BicolToday.com

Related stories:

Sorsogon Governor faces another graft charges

Banks asked to shelve proposed P350-M loan amid fertilizer scam case

Is Gov. Lee fooling Sorsogon again?

P350M loan ni Gov. Lee ipagpaliban – Frivaldo

Ginawa akong ‘Scapegoat’ ng Ombudsman – Gov. Lee

Gov. Raul Lee, 2 pang opisyal ng Sorsogon kinasuhan ng Ombudsman kaugnay ng Fertilizer Fund Scam

2 COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.