BREAKING NEWS:7 TEENERS DIE IN FIRE; HOSTAGE-TAKER RUNS AMUCK

6 patay, 2 nawawala sa paghagupit ni ‘Juaning’ sa Catanduanes

Flooded road along Barangay Cullat, Daraga, Albay. Photo by Darlan Barcelon

VIRAC, Catanduanes – Mahigit anim ang patay at dalawang mangingisda naman ang napaulat na nawawala sa lalawigan ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa paghagupit ng bagyong “Juaning”  nitong, Hulyo 26, 2011.

Ayon sa PDRRMC ang mga namatay ay sina: Alfredo Manibale, 73, napaulat na namatay dahil sa pagkumpuni ng bubong sa kasagsagan ng bagyo sa barangay San Pedro, Bato; Rolando Angulo, 45, nalunod sa Sagrada River, Bagamanoc; Noel Angeles, 49, nabagsakan ng post eng FICELCO sa brgy. Penafrancia, Viga; Rickson Villasana Isla, 30, nalunod sa brgy. Suchan, Bagamanoc; Rey Vergara, 39, nalunod sa Pajo River at Sanito Diaz, 49, nalunod sa Rizal, Viga.

Samantala, hindi pa rin natatagpuan ang dalawang napaulat na nawawalang mangingisda na sina Romeo Robles, 37 at Romeo Balamban , 39 na pawing taga Agban, Baras na ayon sa ulat ay pumalaot upang magnisda noong Hulyo 24, 2011 ganap na alas-4 ng umaga at inaasahan sanang bumalik noong Hulyo 25.

Mahigit 24 namang mangingisda mula sa Rapu-Rapu Alba yang pansamantalang nasa pangangalaga ni Bato Municipal Mayor Eulogio Rodriguez matapos ang kanilang ginagamit na dalawang Bangka sa pangingisda na kung tawagin ay ‘Taksay’ ay napadpad at sumadsad sa baybayin ng brgy. Batalay, Bato, Catanduanes.

Ang naturang mga mangingisda ay binigyan naman ng kaukulang asistensya ng PDRRMO.

Tatlong mangingisda naman ang nailigtas ng mga resident eng brgy. Baldok, Pandan kahapon, Hulyo 26 na nagmula sa Garchitorena Camarines Sur. Sila ay pansamantalang nasa pangangalaga ni. Brgy. Captain Solomon Trinidad ng Baldok, Pandan. (Edna Bagadiong)

Posted by on July 28, 2011. Filed under Bicol News,Top Stories. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

One Response to 6 patay, 2 nawawala sa paghagupit ni ‘Juaning’ sa Catanduanes

  1. How To Make A Vaporizer Reply

    July 29, 2011 at 6:54 pm

    You are a very bright individual!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>