BREAKING NEWS: FARMER LEADER SHOT DEAD IN BAAO, CAMSUR

‘Palm Sunday’ ginunita ng mga Katoliko

 

Si Msgr. Rene Mabute habang binabasbasan ang mga palaspas. Photo by BICOLTODAY.com

SORSOGON CITY  – Libo-libong katoliko at deboto ang naggunita ng linggo ng palaspas o ‘Palm Sunday’ bilang pagsisimula ng semana santa o “holy week”. Ito ay simbolo rin ng pagbubunyi at tagumpay ng pagpasok ni Hesukristo sa Jerusalem.

Sa homiliya ni Obispo Arturo Bastes ipinanawagan nito ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa gitna ng krisis na hinaharap ng bansa.

“Aniya dapat na maging simbolo at ehemplo ng mga kristiyano si  Hesu Kristo na sa gitna ng pang-aapi at paglapastangan ng mga hudyo nagawa pa nitong mapagkaisa ang sangkatauhan. Inialay din ni Kristo ang kanyang buhay gaya ng mga kababayan natin ng nagsasakrisyo para sa pamilya at para sa bayan.”

Nakiisa rin ang mga kaparian mula sa ibat-ibang parokya sa okasyon kabilang sina Msgr. Rene Mabute, Msgr. Antonio Pura, Fr. Angel Dy at iba pa.

Pantawid gutom

Sa kabilang dako, naging masigla rin ang kalakalan sa paligid ng Sts. Peter and Paul Cathedral gaya ng mga nagtitinda ng palapas, bulaklak, ice cream at mga kakanin.

Si Elisa Dio, 70 taong gulang ay nagsisikap pa ring maghanapbuhay para lamang may maipantawid sa kanyang pamilya. Photo by BICOLTODAY.com

Si Elisa Dio, 70 taong gulang mahigit na ring dalawang dekadang nagtitinda ng palapas tuwing sasapit ang semana santa. Ayon sa kanya umaabot sa P700 piso ang kanyang kinikita maliban sa kandila na kanyang tinitinda.

Hindi alintana ni nanay Elisa ang init maitaguyod lamang ang pamilya lalo na ang kanyang mga apo.

Si Elisa ay isa lamang sa milyon-milyong Pilipino ang nabubuhay sa kahirapan 0 “below poverty line”.

Sa pinakahuling survey ng  Social Weather Station (SWS) mahigit 4.1 milyong Pilipino ang nagugutom sa unang kwarter ng 2011 kung saan mataas ng 2 porsiyento sa nakaraang kwater ng 2010 at 51% ang nagsasabing sila ay mahihirap. BICOLTODAY.com

Tingnan ang talaan ng SWS.

Photo courtesy SWS

Posted by on April 17, 2011. Filed under Bicol News. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

One Response to ‘Palm Sunday’ ginunita ng mga Katoliko

  1. Nook Reply

    April 25, 2011 at 7:27 pm

    It frequently amazes me specifically how web page owners for example your self can discover sufficient time as well as the commitment to carry on making great blog posts. Your web site isgreat and one of my must read web-sites. I just had to thank you.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>