Pang-aabuso ng militar sa Sorsogon pinagtatakpan ni Major Cabunoc | BICOL TODAY

Pang-aabuso ng militar sa Sorsogon pinagtatakpan ni Major Cabunoc

Major Harold Cabunoc, spokesperson of the 9th Infantry Division, Philippine Army, based at Camp Elias Angeles in Pili, Camarines Sur. (Contributed Photo)

SORSOGON CITY – Walang kongkreto at direktang kasagutan ang pahayag ni Bicol army spokesperson Major Harold Cabunoc sa radyo dzMS nitong ika-6 ng Oktubre 2010 sa ginawang panghaharas ng mga militar sa mga residente at iligal na paghahalughog sa mga kabahayan sa Barangay Sipaya, Juban, Sorsogon noong ika-30 ng Setyembre 2010 ito ang laman ang pahayag ng Karapatan.

Ayon sa Karapatan panakip butas at paglilihis lamang sa tunay sa isyu ang ginawa ni Cabunoc. Hindi nilinaw ng opisyal ang tunay na kahulugan ng karapatang pantao at ano ang obligasyon ng estado. Gusto lamang pagtakpan ni Major Cabunoc ang mga pang-aabuso ng mga militar at sa matagal nang rekord nito sa paglapastangan ng karapatang pantao ng mga Sorsoganon at mamamayang Pilipino.

Sinabi pa ng Karapatan na isang sirang plaka si Cabunoc sa paulit-ulit na pagdawit sa pangalan ng mga human rights groups at pagsasangkot sa rebulusnaryong kilusan. Na walang ibang layon para maging lisensya nila sa pang-aabuso sa mga sibilyan at progresibong indibidwal o organisasyon gaya ng Extra-Judicial Killings (EJK) at iba pang porma ng paglabag sa karapatang pantao.

Dinagdag pa ng naturang human rights group na dapat nilinaw ni Major Cabunoc na sa bahagi ng mga rebeldeng NPA sila ay saklaw ng International Humanitarian Law (IHL) at Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) kung saan pirmado ang Government of the Republic of the Philippines (GRP) at ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ayon pa sa grupo ang nabanggit na mga panuntunan ang siyang batayan para sa anumang hakbangin ng magkabilang panig para sa pagresolba ng ugat ng tunggalian o gerang sibil sa bansa at paggalang sa karapatang pantao sa gitna ng kanilang labanan. Hindi madadala sa progpaganda lamang ni Cabunoc at pagsasangkot nang kung sino-sino ang mga pangyayari na walang batayan at pawang haka-haka lamang.
Dinagdag pa din ng Karapatan na hindi rin sagot ang militarisasyon sa kanayunan para masugpo ang insurhensiya kundi ang pagresolba sa sosyal at pang-ekonomiyang problema ng bansa.

Samantala sa panayam ng dzMS kay Major Cabunoc sinabi nito na isinusulong naman daw nila ang karapatan ng bawat Pilipino. Kung saan nagsasagwa din sila ng mga pag-aaral hinggil sa karapatang pantao. BICOLTODAY.com

Posted by on October 7, 2010. Filed under Bicol News,Top Stories. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *